Sanaysay
di-pormal
ni: Nairah D. Darimbang Grade 9 - Quirino
Mula sa Maa National High School
PISO
Piso na pambili ng lollipop, piso na pambili ng ice water, piso na pambili ng junk foods, piso na ginagamit natin araw-araw. Walang araw na hindi natin gagamitin o ginagamit ang piso. Tinatapon, pinupulot, hinahanap, binabalewala, yan ang lagi nating ginagawa sa piso parang isang tao lang...Tao na binabaleawala, tinatapon sa una pero pagkailangan mo na hinahanap mo na. Sa mundong kinakatayuan natin kung ano man iyong nakikita maliit man o malaki dapat pahalagahan natin katulad ng piso kahit maliit na halaga lang ito malaki ang maitutulong nito sa atin. kung walang piso hindi mo makokompleto ang sais, kung walang piso hindi mo makokompleto ang unse at iba pa.
kaya tayo dapat natin huwag isang bahala ang piso dahil hindi makokompleto ang isang bagay kung kulang ito kahit pa maliit o gaano pa ito kaliit.